Saturday, September 4, 2010

Bakit ba kasi nagkakaganito na naman ako?

OO hindi ko rin naman talaga alam bakit nagkakaganito ako. At OO totoo yun na naiinis ako sa sarili ko sa di ko maipaliwanag na dahilan at naiinis din ako sa di ko rin masabing dahilan. 


Paano ko ba ipapaliwanag na nahihirapan ako sa nangyayari ngayon? Paano ko ba ipapa intindi sa iyo na nalulungkot ako? Paano ko sasabihin sa iyo na sana pansinin mo naman ako, sana lahat ng atensyon mo nasa akin na lang muna sa kaunting panahon pa na natitira? Paano ko ba sasabihin sa iyo na sa lahat ng nangyayari, pinipilit ko lang maging Okay pero ang totoo naman ay hindi?


Paano ko ipapaintindi sa iyo na suportado ko naman lahat ng plano mo pero hindi ko maiwasang malungkot dahil maiiwan ako dito. Ngayon pa lang pinagaaralan ko ng mag adjust para hindi ako mahirapan pag dumating na yung araw na yun dahil alam ko mahihirapan ako.


I don't own you, pero parte ka ng buhay ko. Malaking parte ng buhay ko. At kahit pilit kong huwag isipin, di ko mapigilan. Bakit ganon?  


Bakit nape-pressure ako sa bilis ng oras at araw? Bakit kapag lalo kong naiisip lalo akong kinakain ng hindi ko alam na takot. Bakit takot na takot ako? Bakit pakiramdam ko ngayon pa lang wala ka na? Bakit kailangang mangyari ito ng ganito kabilis? Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? 


Bakit nga ba nagkakaganito ako? 

No comments: